(published on July 17, 2008 in Philippine Collegian)
by: Richard Jacob Dy
Matapos mapaalis mula sa kanilang opisina noong nakaraang taon, patuloy pa ring iginigiit ng konseho at pahayagang pangmag-aaral ng College of Arts and Letters (CAL) sa pamunuan ang pagkakaroon ng permanente at magkahiwalay na tanggapan.
Pinuna ng mga puno ng dalawang institusyon si CAL Dean Virgilio Almario, dahil sa hindi pagbibigay ng magkahiwalay na opisina sa CAL Student Council (CAL-SC) at Kalasag. Ani Almario, maaari naman umanong magkasya sa CAL New Building (CNB) 208 ang humigit-kumulang 38 katao.
Subalit ayon kay Sierra Mae Paraan, punong patnugot ng Kalasag, "May kani-kaniyang gawain ang konseho at pahayagan. Kapag nagkasabay kami (ng CAL-SC sa paggamit ng opisina), magkakaroon ng problema. Utility ang isyu dito."
Nauna nang nagpadala ng magkahiwalay na sulat si Prop. Michael Andrada, tagapayo ng Kalasag, kay Almario nong Hulyo 8 na nananawagang bigyan ng magkahiwalay na opisina ang Kalasag at CAL-SC at kilalanin ang awtonomiya ng mga institusyong ito, at huwag ituloy ang mungkahi ng CAL Dean's Office na magkaroon ng tagapayo ang konseho.
"Nakahihiyang isipin na tila lumilitaw na ang mismong (administrasyon ng) KAL, na hinihirayang sentro ng humanidades, pagsusulat at iba pang sining... ay ang siyang kolehiyong tila hindi sapat ang suporta sa malikhain at malayang lathalain o pahayagan ng mga estudyante ng KAL," saad ni Andrada.
Iniutos ni Almario noong nakaraang taon na lisanin ng CAL-SC at Kalasag ang kanilang mga tanggapan mula sa basement ng Faculti Center papuntang AS 101 upang bigyang daan ang paglipat doon ng opisina ng kalihim ng CAL.
Ani Bugsy Nolasco, tagapangulo ng CAL-SC, pinakiusapan nila si Almario noong simula ng semestre na bigyan sila ng silid sa CNB sa halip na sa AS 101, dahil mas malapit ang kanilang mga kasapi sa CNB.
Bagaman pinahintulutang ipagamit ang CNB 208, naglabas ng memorandum of agreement (MOA) si Almario noong Hunyo 19. Tumangging pumirma sa MOA ang mga kasapi ng CAL-SC at Kalasag dahil umano sa ilang probisyon nito, gaya ng curfew sa paggamit ng opisina at pagkakaroon ng ebalwasyon ng paggamit ng opisina ng dalawang institusyon sa pagtatapos ng semestre.
Nakasaad din sa kasunduan na maaaring paalisin mula sa opisina anumang oras ang konseho at pahayagan sakaling kailanganin ito n Department of European Languages, kung saan nakalaan ang silid.
Ngunit ayon kay Paraan, hindi man gamitin ng departamento ang CNB 208, posible pa ring mawalan ng tanggapan ang dalawang organisasyon kung hindi sila makakapasa sa ebalwasyon sa patatapos ng semestre.
Dagdag ni Nolasco, "It only bespeaks of how Dean Almario gives importance, or lack thereof, to the CAL-SC and Kalasag, two autonomous student institutions that have a mandate from the students."
Samantala, ani Paraan, tinututulan din ng dalawang organisasyon ang pagpapagamit sa kanila ng opisina nang hanggang alas-7 ng gabi lamang, sapagkat kadalasang lampas alas-5 ng hapon na natatapos ang klase ng mga kasapi at kulang ang nalalabing oras para gampanan ang mga gawain sa konseho at pahayagan.
Pinasinungalingan din ni Joshua Diokno, dating tagapangulo ng CAL-SC, ang pahayag ni Almario na ang konseho ng nakaraang taon ang humiling na magkaroon sila ng gurong tagapayo. Ani Diokno, ipinanukala ng CAL Dean's Office na magkaroon ng tagapayo ang konseho na siya umanong pipirma sa mga dokumentong isusumite ng konseho sa pamunuan.
Saad ni Andrada sa kanyang sulat, hindi pa umano nagkakaroon ng tagapayo ang konseho sa buong kasaysayan nito sapagkat walang probisyon hinggil dito sa konstitusyon ng konseho, at nararapat kilalanin ang kalayaan ng konseho mula sa pakikialam ng administrasyon.

0 comments:
Post a Comment