(published in Philippine Collegian on September 19, 2008)
by Richard Jacob Dy
...
Nakatakdang gibain ang 52 bahay sa Area 17 sa UP Diliman upang bigyang-daan ang pagpapatayo ng Engineering Complex (EC) ngayong Oktubre.
Ani Vice-Chancellor for Community Affairs Grace Gregorio, itinakda ng administrasyon ang halos tatlong buwang palugit upang gibain sa kahabaan ng C.P. Garcia St. sa Area 17 ang tirahan ng 22 mga empleyado ng UP at ng 30 na mga informal settler.
Ani Sonia Lumbre, empleyado ng UP na tinatayang 20 taon nang residente ng Area 17, noong Agosto 15 lamang ipinaalam ng administrasyon ng UP na saklaw ng tatayuang EC ang kanilang lugar. “Wala kaming tutol dahil para sa [UP] iyon. Yun lamang, hindi sila nag-abiso nang [mas] maaga” aniya.
Saad ni Noli Anoos, tagapangulo ng All-UP Workers Union, ayon umano sa batas, bago ipaalam ng administrasyon ang tungkol sa demolisyon, mayroon na dapat nakahaing maayos na lugar at mga tirahan para sa relokasyon ng mga residente.
Maliban sa geodetic engineering, ililipat ang mga kurso ng College of Engineering sa bubuksang EC sa 2009 sa tinatayang 8 hanggang 10 ektarya ng lupang saklaw ng Area 17.
Walang tiyak na relokasyon
Ani Anoos, karamihan sa mga empleyado ng UP ang wala pa ring tiyak na relokasyon sapagkat tinitirhan umano ngayon ng mga informal settler ang mga pabahay na nakatakda sanang paglipatan ng mga empleyadong residente ng Area 17.
Dagdag ni Anoos, sa ngayon, apat pa lamang sa 22 bahay ng mga empleyado sa lugar ang nabigyan ng relokasyon sa loob ng unibersidad.
Ani Gregorio, uunahin umano ng administrasyon ang mga empleyadong nauna nang ginawaran ng housing award. Iginagawad umano ang pribilehiyo ng pabahay batay sa haba ng serbisyo at bilang ng miyembro ng pamilya ng isang empleyado.
Saad ni Greogrio, hinihintay na lamang ang tugon ni Chancellor Sergio Cao ngayong linggo upang maisama sa relokasyon ang mga empleyadong hindi nagawaran ng pabahay.
Aniya, bibigyan umano ng administrasyon ang mga empleyado ng tulong sa paghahakot ng mga kagamitan at ng materyales sa paggawa ng bahay mula sa Supply and Property Management Office.
Ngunit ani Anoos,malabo umanong maglabas ng pondo ang administrasyon para magbigay ng materyales. Dagdag niya, kakaunti ang sasakyan ng Campus Maintenance Office na magdadala ng mga kagamitan ng mga empleyado.
Saad ni Gregorio, pinapahintulutan din ng administrasyon na magtayo ang mga empleyado ng sariling tirahan sa loob ng UP dahil sa kawalan ng pabahay. Ngunit ani Lumbre, mapapagastos pa ang mga residente sa pagbili ng mga materyales.
Aniya, sapat lamang ang kanyang sahod upang mabayaran ang limandaang pisong upa sa tinitirhan ng kanyang pamilya ngayon. “Tatlo ang aking anak at nakatira sa akin ang aking [magulang].Sana bigyan naman kami ng maayos na tirahan,” dagdag niya.
Ayon kay Gregorio, nakatakdang ibigay kay Cao ngayong linggo ang rekomendasyon ng komiteng binuo noong Agosto na magbigay ang administrasyon ng tulong, maliban sa pinansiyal, sa mga apektadong residente sa Area 17.
Hiling ng non-UP employee
Ani Anoos, nararapat din umanong bigyan ng pabahay ang mga residenteng hindi empleyado ng UP dahil karapatan nila bilang mamamayan na mabigyan ng maayos na relokasyon.
Aniya, hinihiling ng mga residente sa administrasyon ang kanilang pagpapalipat sa loob din ng unibersidad. Dagdag ni Lumbre, ayon umano sa mga residente, hindi sapat ang ilang linggo lamang na palugit na ibinigay sa kanila upang umalis.
Saad ni Gregorio, “We have to bear in mind the welfare of these people even if they’re not UP employees.”
Ani Anoos, nauna na umanong sinabi ng administrasyon na nararapat nang umalis ang mga informal settler sa Area 17 dahil sa hindi paghingi ng pahintulot sa pananatili sa lugar sa loob ng maraming taon.
by Richard Jacob Dy
...
Nakatakdang gibain ang 52 bahay sa Area 17 sa UP Diliman upang bigyang-daan ang pagpapatayo ng Engineering Complex (EC) ngayong Oktubre.
Ani Vice-Chancellor for Community Affairs Grace Gregorio, itinakda ng administrasyon ang halos tatlong buwang palugit upang gibain sa kahabaan ng C.P. Garcia St. sa Area 17 ang tirahan ng 22 mga empleyado ng UP at ng 30 na mga informal settler.
Ani Sonia Lumbre, empleyado ng UP na tinatayang 20 taon nang residente ng Area 17, noong Agosto 15 lamang ipinaalam ng administrasyon ng UP na saklaw ng tatayuang EC ang kanilang lugar. “Wala kaming tutol dahil para sa [UP] iyon. Yun lamang, hindi sila nag-abiso nang [mas] maaga” aniya.
Saad ni Noli Anoos, tagapangulo ng All-UP Workers Union, ayon umano sa batas, bago ipaalam ng administrasyon ang tungkol sa demolisyon, mayroon na dapat nakahaing maayos na lugar at mga tirahan para sa relokasyon ng mga residente.
Maliban sa geodetic engineering, ililipat ang mga kurso ng College of Engineering sa bubuksang EC sa 2009 sa tinatayang 8 hanggang 10 ektarya ng lupang saklaw ng Area 17.
Walang tiyak na relokasyon
Ani Anoos, karamihan sa mga empleyado ng UP ang wala pa ring tiyak na relokasyon sapagkat tinitirhan umano ngayon ng mga informal settler ang mga pabahay na nakatakda sanang paglipatan ng mga empleyadong residente ng Area 17.
Dagdag ni Anoos, sa ngayon, apat pa lamang sa 22 bahay ng mga empleyado sa lugar ang nabigyan ng relokasyon sa loob ng unibersidad.
Ani Gregorio, uunahin umano ng administrasyon ang mga empleyadong nauna nang ginawaran ng housing award. Iginagawad umano ang pribilehiyo ng pabahay batay sa haba ng serbisyo at bilang ng miyembro ng pamilya ng isang empleyado.
Saad ni Greogrio, hinihintay na lamang ang tugon ni Chancellor Sergio Cao ngayong linggo upang maisama sa relokasyon ang mga empleyadong hindi nagawaran ng pabahay.
Aniya, bibigyan umano ng administrasyon ang mga empleyado ng tulong sa paghahakot ng mga kagamitan at ng materyales sa paggawa ng bahay mula sa Supply and Property Management Office.
Ngunit ani Anoos,
Saad ni Gregorio, pinapahintulutan din ng administrasyon na magtayo ang mga empleyado ng sariling tirahan sa loob ng UP dahil sa kawalan ng pabahay. Ngunit ani Lumbre, mapapagastos pa ang mga residente sa pagbili ng mga materyales.
Aniya, sapat lamang ang kanyang sahod upang mabayaran ang limandaang pisong upa sa tinitirhan ng kanyang pamilya ngayon. “Tatlo ang aking anak at nakatira sa akin ang aking [magulang].
Ayon kay Gregorio, nakatakdang ibigay kay Cao ngayong linggo ang rekomendasyon ng komiteng binuo noong Agosto na magbigay ang administrasyon ng tulong, maliban sa pinansiyal, sa mga apektadong residente sa Area 17.
Hiling ng non-UP employee
Ani Anoos, nararapat din umanong bigyan ng pabahay ang mga residenteng hindi empleyado ng UP dahil karapatan nila bilang mamamayan na mabigyan ng maayos na relokasyon.
Aniya, hinihiling ng mga residente sa administrasyon ang kanilang pagpapalipat sa loob din ng unibersidad. Dagdag ni Lumbre, ayon umano sa mga residente, hindi sapat ang ilang linggo lamang na palugit na ibinigay sa kanila upang umalis.
Saad ni Gregorio, “We have to bear in mind the welfare of these people even if they’re not UP employees.”
Ani Anoos, nauna na umanong sinabi ng administrasyon na nararapat nang umalis ang mga informal settler sa Area 17 dahil sa hindi paghingi ng pahintulot sa pananatili sa lugar sa loob ng maraming taon.
Type rest of the post here




0 comments:
Post a Comment