Isang Magna Carta para sa mga Mag-aaral ang ipinanunukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ngunit hindi umano tunay maipagtatanggol ng mga probisyon nito ang karapatan ng mga mag-aaral, ayon sa mga lider-estudyante.
Kasalukuyang dinidinig sa House committee on higher and technical education ang Magna Carta for Students na magkakahiwalay na inihain nina Representatives Edcel Lagman at Rufus Rodriguez, at Risa-Hontiveros-Baraquel ng Akbayan.
Ayon sa explanatory note ng panukalang-batas, isasabatas umano ng Magna Carta ang pagkilala sa karapatan ng mga mag-aaral sa hayskul at kolehiyo sa pagbuo ng mga konseho, organisasyon, at pahayagan ng mga mag-aaral. Magtatakda rin ito ng mga pamantayan sa pagtataas ng matrikula.
Ngunit ani Airah Cadiogan, pangalawang tagapangulo ng University Student Council ng UP Diliman, "Sa halip na mas makatutulong sa pagsulong ng demokratikong karapatan ng mga estudyante, [mapanganib] na gamitin ng mga school administrator ang Magna Carta para gawing ligal ang campus repression at administration intervention."
Pamantayan sa pagtaas ng matrikula
Ayon sa panukala ni Hontiveros, dapat magkaroon ng pag-anunsiyo ng pagtataas ng matrikula isang taon bago ang pagpapatupad nito at konsultasyon sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang. Itinatakda rin ng panukalang bigyan ng mga dokumento ukol sa pagtataas ng mga bayarin ang konseho ng mga mag-aaral upang makabuo ito ng posisyon ukol dito.
Ngunit ani Cadiogan, hindi pagkakaroon ng konsultasyon ang nararapat na gawing pamantayan bago magtaas ng matrikula kundi ang pagsang-ayon ng mayorya ng mga mag-aaral. Nakita umanong patuloy ang pagtaas ng mga matrikula sa kabila ng umiiral na memo ng Commission on Higher Education (CHEd) ukol sa konsultasyon, ani Cadiogan.
Ayon sa tala ng CHEd, tinatayang 10 porsiyento ng 1,800 pribadong paaralan at halos 10 porsiyento ng mga pampublikong pamantasan ang nagtaas ng matrikula sa bansa ngayong taon.
Malayang pamamahayag
Maaari naman umanong gamitin ng administrasyon ng mga paaralan ang probisyon ng panukalang Magna Carta ukol sa pamamahayag upang isailalim sa censorship ang mga pahayagang pang-mag-aaral, ani Vanessa Faye Bolibol, tagapangulo ng National Union of Students of the Philippines-National Capital Region.
"Ethics in journalism shall be observed by the editorial staff. It shall be the responsibility of the editorial staff to ensure that the student paper is not used for purposes contrary to law," ayon sa panukalang Magna Carta.
Paliwanag ni Bolibol, hindi nakasaad sa panukala ang magtatakda ng etika sa pamamahayag, kaya maaaring panghimasukan ito ng administrasyon.
Hindi rin umano mapoporotektahan ng Magna Carta ang mga estudyanteng manunulat gaya ng kabiguan ng Campus Journalism Act (CJA) ng 1991 na may probisyong nagbibigay ng kalayaan sa editorial board ng pahayagan upang magtakda ng mga sariling palisiya, saad ni Gerg Anrol Cahiles, kasapi ng national secretariat ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP). Aniya, sa kabila ng CJA, tinatayang 300 kaso na ng pagbabanta ng expulsion at karahasan sa mga estudyanteng manunulat ang naitala ng CEGP hanggang sa kasalukuyan.
Dagdag ni Cahiles, dapat ding isama sa Magna Carta ang pagpaparusa sa mga tagapamahala ng paaralan na lumalabag sa karapatan sa malayang pamamahayag ng mga estudyanteng manunulat.
Pagkilala sa mga organisasyon
Pinuna rin ng mga lider-estudyante ang probisyon ng Magna Carta na magbibigay ng kapangyarihan sa office of student affairs (OSA) ng mga unibersidad na mamuno sa pag-apruba at pagbawi ng pagkilala sa mga organisasyon ng mga mag-aaral.
Ani Cadiogan, mas maigi umano kung ang konseho ang mag-aapruba ng mga organisasyon upang maging magaan at demokratiko ang proseso. Wala rin umanong karapatan ang mga OSA na magbawi ng pagkilala sa mga organisasyong hindi na aktibo dahil maaaring kulang lamang sila sa pondo o mga miyembro, aniya.
Nakasaad din sa panukalang Magna Carta na hahawakan ng administrasyon ng paaralan ang pondo ng konseho sa loob ng 15 araw matapos ang enrolment period. Ngunit ayon kay Bolibol, nararapat ibigay kaagad sa mga konseho ang pondo upang maiwasan ang pagpigil sa pagpapalabas ng pondo na naranasan kamakailan ng konseho ng La Consolacion College-Manila.
by Richard Jacob Dy
published in Philippine Collegian on Sept. 30, 2008

Type rest of the post here

0 comments:
Post a Comment