Friday, November 28, 2008

Kaguruan sa UP Diliman, boboto ng bagong rehente

Proseso ng nominasyon, tinuligsa
.
Ihahalal na ngayong linggo ang unang faculty regent (FR) na magsisilbi sa Board of Regents (BOR) sa loob ng dalawang taon.
.
Kandidato sina Judy Taguiwalo ng College of Social Work and Community Development, Dante Canlas ng School of Economics at Leticia Penano-Ho ng College of Education, pawang nagmula sa UP Diliman. Ilalabas ngayong linggo ang resulta ng botohan para sa pangalawa at huling nominasyon na nag-umpisa noong Nobyembre 18 sa UP Diliman at matatapos sa 22 para sa iba pang yunit.
.
Sa unang botohan, tumanggap si Taguiwalo ng 774 na nominasyon sa buong UP. Nakalikom naman si Canlas ng 243 at si Ho ng 14, batay sa dokumento mula sa opisina ng Vice President for Academic Affairs (VPAA), ang namamahala sa pagpili ng FR. Naganap noong ikaapat na linggo ng Oktubre ang unang botohan.
.
Nakapasok din sina Ma. Cynthia Rose Bautista at Ma. Serena Diokno sa limang may pinakamataas na bilang ng nominasyon ngunit tinanggihan nila ito.
Mahigit 1,540 nominasyon ang nakalap mula sa kaguruan sa unang nominasyon. Kulang 200 guro naman ang tumanggap ng nominasyon upang maging FR na dating naglilingkod sa loob ng isang taon lamang.
.
'Pirma, hindi balota'
.
Sa pulong ng BOR noong Setyembre 29, inaprubahan ang naunang desisyon ng university councils, ang pinakamataas na komite ng mga propesor, ng mga yunit na gamitin ang lumang alituntunin sa pagpili ng FR.
.
Ngunit ani Ramon Guillermo, tagapangulo ng All UP Academic Employees Union (AUPAEU) sa Diliman, hindi umano ito nasunod dahil nagkaroon ng balloting sa unang nominasyon, sa halip na pagliham at signature campaign.
.
Tumanggi namang magbigay ng komento sa Collegian si VPAA Amelia Guevarra.
.
Ayon kay Guillermo, hindi agad nalinaw kung naitala sa resulta ng unang nominasyon ang mga liham ng nominasyon at signature campaign na ipinasa ng AUPAEU sa administrasyon.
.
"We found some double counting/submission [from AUPAEU in Diliman]. However the same cannot be verified completely, since not all the academic units submitted the names of the faculty who participated in the nomination process," saad ni Chancellor Sergio Cao, ayon sa opisina ng VPAA.
.
Ani Guillermo, "Dapat independyente ang FR sa administrasyon at may maaasahang tapat at marubdob na paninindigan para sa kaguruang naghalal sa kanya."
.
sinulat ni Richard Jacob Dy
nailathala noong Nobyembre 20, 2008

Read More...

Sunday, November 23, 2008

Presswork

Read More...

Thursday, November 20, 2008

Lights play

Read More...

Proseso ng admin sa pagpili ng staff regent, tinututulan ng mga kawani

Mariing tinututulan ng unyon ng mga kawani ng UP ang panghihimasok umano ng administrasyon sa pagbalangkas ng alituntunin sa pagpili ng staff regent.
.
Alinsunod sa bagong UP Charter, magsisilbi ang staff regent sa loob ng dalawang taon sa Board of Regents (BOR), ang pinakamataas na tagagawa ng palisiya ng pamantasan. Siya ang magiging kinatawan ng halos 8,000 kawaning administratibo at 1,500 na research, extension at professional staff (REPS) sa BOR.
.
Ani Noli Anoos, pambansang tagapangulo ng All-UP Workers' Union (AUPWU), inatasan umano ng administrasyon ang bawat chancellor na magtalaga ng komite, na binubuo ng REPS at kawaning administratibo, na magtatakda ng patakaran sa pagpili ng staff regent sa pagpupulong ng Presidential Advisory Council noong Oktubre 13.
.
Ayon sa charter, tanging "duly recognized organizations" ng REPS at kawaning administratibo lamang ang magbabalangkas ng patakaran sa proseso.
.
Sinabi ni Anoos na ipinanukala ng administrasyon na maaaring magmula ang mahahalal na staff regent sa lahat ng yunit ng UP maliban sa Diliman, dahil dito rin magmumula ang susunod na faculty regent.
.
Habang isinusulat ang balitang ito, wala pa ring komento si UP President Emerlinda Roman.
.
Ayon kay Anoos, ipinaliwanag ni Roman sa pulong ng PAC na paiiralin umano ang alituntunin na ginawa ng komite sa bawat yunit kung saan magmumula ang nominasyon para sa posisyon. Taliwas umano ito sa nais ng unyon na bumuo ng pinag-isang patakaran na iminungkahi nito sa administrasyon ng bawat yunit, aniya.
.
Kinundena naman ni Anoos ang hindi pagkilala sa AUPWU upang gumawa ng unified rules bagaman sila ang "sole and exclusive bargaining unit" na siyang nararapat kumatawan sa mga usaping pangkawaning administratibo at REPS.
.
Sa panukalang unified rules ng AUPWU, magsasagawa ng dalawang nominasyon kung saan tatanggap ng nominasyon sa lahat ng yunit at pipili ng limang kandidato na maglalaban sa huli. Bubuo ng commission on elections na mamamahala ng halalan.
.
Ilang kwalipikasyong iminungkahi ng All-UP Workers' Alliance (AUPWA) ang pagiging aktibong miyembro ng AUPWA nang hindi bababa sa tatlong taon, hindi nahatulan ng kasong administratibo at hindi hihigit sa 63 taong gulang. Nararapat ding makapasa ang mga nominado sa performance evaluation ng alyansa, ayon sa panukala.
.
by Richard Jacob Dy
published in Philippine Collegian on November 12, 2008

Read More...

Monday, November 17, 2008

Return

Read More...

Monday, November 3, 2008

Blogging Tips


Hindi ako ang magbibigay ng blogging tips kundi kayo, aking mga tagasubaybay. Hindi ko talaga alam kung paano asikasuhin ang blog na ito kahit may sufficient time naman kahit papaano. Puro articles na lang sa Kule ang nilalagay ko.

Anyway, kakauwi ko lamang mula sa Saudi Arabia at heto ang aking kwentong disyerto:


Read More...