2 insidente ng karahasan, naganap sa pagbubukas ng klase
ni Richard Jacob Dy
.
Dalawang magkahiwalay na insidente ng karahasan sa mga estudyante ang naganap sa kampus noong Enero 6.
.
Batay sa ulat ng UP Diliman Police (UPDP) sa Office of Student Affairs (OSA), binugbog ng may pitong lalaking naka-bonnet ang mag-aaral ng UP na si Paolo Mikael Quilala, 18, gamit ang baseball bat at bakal na tubo nang halos kalahating minuto, dakong 11:30 ng umaga sa parking lot ng College of Fine Arts (CFA).
.
Madaling nakatakas ang mga suspek patungo sa kalye ng C.P. Garcia lulan ng itim na Mazda na may plate number ZBU 137, ayon sa tala ng pulisya.
.
Batay sa ulat ng pulisya, agad na dinala sa UP Infirmary ang biktimang nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan. Ayon sa OSA at records office ng College of Arts and Letters (CAL), nasa unang taon ng kursong comparative literature si Quilala at kumukuha ng klaseng FA 30 sa CFA.
.
Ani OSA coordinator Oscar Ferrer, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga suspek at ang motibo sa likod ng insidente.
.
Samantala, bandang alas-5 ng hapon ng araw ding iyon, isang katulad na insidente ang naganap sa College of Human Kinetics (CHK).
.
Ayon sa pulisya, dalawang suspek na nakasuot din ng bonnet at sakay ng kotseng may plate number RBR 390 ang nagtangkang saktan sina Tristan de Guzman at Alexander Quizon, mga estudyante ng CHK, na nakaligtas nang tumakbo patungong gym.
.
Pinayuhan na lamang ng UPDP ang dalawa na ipaabot ang nangyari sa dekano ng kolehiyo.
.
(Naunang nailathala noong Enero 15, 2008 sa Philippine Collegian.)

0 comments:
Post a Comment