18 nasaktan sa riot sa UP fair
Isang pulis ng UPDP, nasa malubhang kondisyon
Ni Richard Jacob Dy
.
Tinatayang 18 katao ang nasaktan sa insidente ng pamamato at pagpuwersa ng mga kabataan sa bakuran ng UP Fair sa Sunken Garden upang makapasok sa pagtatanghal bandang hatinggabi noong Pebrero 13.
.
Ayon sa volunteer mula sa Red Cross, nagtamo ng mga gasgas at sugat ang apat na miyembro ng UP Diliman Police (UPDP), kabilang si Ramon Monterico na kasalukuyang nasa intesive care unit ng Quirino Memorial Medical Center. Walang estudyante ng UP na naitalang nasaktan sa insidente.
.
Nagsimula ang kaguluhan nang ipatigil ng University Student Council (USC), ang nakatakdang mamahala ng seguridad sa labas ng fair grounds, ang pagbebenta ng mga organizer ng tiket.
.
Saad ni USC Councilor Fudge Tajar, pinatigil ng konseho ang pagbebenta dahil sa rami ng taong dumalo sa fair.
.
Katuwang ang Adelfe Enu Crea sorority, UP Cursor at UP Circuit, pinangunahan ng Pan Xenia fraternity (Pan Xenia) ang pagtatanghal sa fair nang gabing iyon. Nagpadala ng opisyal na pahayag ang Pan Xenia sa Collegian ngunit binawi rin ito.
.
Kasunod nito ay binawi rin ni USC Chair Herminio Bagro III ang mga nauna niyang pahayag sa Collegian hinggil sa seguridad ng fair, mga biktima at komento hinggil sa insidente.
.
Nakatakda pa umanong magpulong ang Pan Xenia at USC hinggil sa insidente sa Pebrero 20.
.
Biktima ng riot
Habang isinusulat ang balitang ito, wala pa ring malay at nasa kritikal pa ring kalagayan si Monterico ng UPDP matapos niyang magtamo ng pamumuo ng dugo sa ulo dulot ng pagbato at pagpalo sa kanya ng mga kabataan.
.
Anang neurosurgeon na si Plutarc Encela, maaaring maparalisa o mawalan ng alaala ang biktima na tinanggalan ng dugo sa utak sa kanyang unang operasyon noong Pebrero 14.
.
Saad sa Collegian ni Maricar Monterico, asawa ng biktima, hindi sapat ang ibinibigay na panggastos ng USC para sa sa pagpapagamot sa kanyang asawa at araw-araw na medikasyon.
.
Samantala, hiniling ng pamilya Monterico sa UPDP na imbestigahan ang dalawang kabataang suspek sa insidente na nahuli ngunit agad ding pinakawalan. May ulat mula kay Katherine Elona.#
.
(Editor's note: This article originally had quotes from Pan Xenia fraternity and University Student Council Chair Herminio Bagro III, but retracted their official public statement and comments, respectively, at the last minute.)
.
(Naunang nailathala sa Philippine Collegian.)



1 comments:
Hi,
I was wondering since we have the same niche, it would really help our rankings as well as increase our hits by exchanging links. My link info is
Title: Girls Talk Celebrity Skin
URL: http://girlstalk.zengato.com
Please drop me a comment once you have added my link so that I can do the same for you site. Please provide me with the title of the link as well as the url.
Thanks,
Lea
Celebrity Gossip Celebrity Skin
Post a Comment